Ang bigote ng Tigre
"Ang Bigote ng Tigre" Pabula mula sa Korea Noong unang panahon may isang babae na nagngangalang Yun Ok na nauubos na ang kanyang talas ng isip. Ang kanyang asawa ay palaging malambing at mapagmahal pag umaalis tuwing sasabak sa giyera, ngunit mula nang umuwi ito sa bahay ay laging galit at hindi na maintindihan. Natatakot na siyang manirahan kasama ang kanyang sariling asawa. Makita lamang niya ang anino ng asawa ay iniisip na niyang hindi iyon ang dating asawa na kilala at mahal niya. Kapag nakakaranas sila ng karamdaman, ang kanilang mga kanayon, madalas nilang takbuhan ang isang ermitanyo na naninirahan sa pusod ng bundok upang humingi ng panlunas. Pero hindi si Yun Ok. Palagi niyang ipinagmamalaki na mapapagaling niya ang kanyang sariling mga problema. Ngunit sa pagkakataong iyon ay iba dahil desperado na siya. Nang papalapit na si Yun Ok sa kubo ng ermitanyo, nakita niyang bukas ang pinto. Sinabi...